Sa nalalapit na ika-30 na anibersaryo ng Mika’san Sweetshop, inaanyayahan namin kayo– aming mga loyal dealers at distributors, na sumali sa selebrasyon!
Magsuot lamang ng anumang T-SHIRT na pamigay ng Mika’san sa nakaraang 30 taon! Lahat ng makikilahok ay makakatanggap ng munting sorpresa bilang aming pasasalamat sa inyong walang sawang suporta at pagtangkilik sa aming mga produkto sa loob ng maraming taon!
May dagdag ding premyo ang mapipiling kalahok na makakapagbigay ng pinakakwelang pagbati, o di kaya’y pinakamemorableng kwento mula sa 30 taon na pakikipag-ugnayan sa Mika’san.
Abangan ang pagbisita ng Mika’san team anumang oras sa Linggo, September 1, 2024!
Tumutok sa aming FB page— Mika’san Sweetshop (OFFICIAL) para sa mga susunod pang pakulo at sorpresa. Ito ay panimula lamang sa isang buong taong pagdiriwang ng ika-30 taon ng ating paboritong Baguio pasalubong— MIKA’SAN!
MIKAlikaSAN sa ika-30 Anibersaryo tungo sa Luntiang Kinabukasan